Song Lyrics

"Ang Aking Pakiusap"

by Papuri Singers
Album: Papuri, Vol. 13

Kung titingnan ang nangyayari sa paligid
Ingaw nga ay mag-iisip na tila ba galit ang langit
Unti unting pagtitiwala'y naglalaho
Sa Kanyang pangako landas tuloy nagkaliko liko

Kaya nga't ang aking pakiusap
Magkadaupang palad
At kapit kamay nating ang baya'y idalangin
Kung lahat ng mga kristyano'y magpapakumbaba
Dalangin ay tutugunin at ang bayang ito'y pagpapalain

Kung mga papangyayari'y ating susuriin
Ang Diyos ay may hangarin
Nais Niyang tawagin ang ating pansin
Kinalimutan na ang aral ng kabanalan
Nagpaanod sa sanlibutan
Pinaglalaruan ang kasalanan

Kaya nga't ang aking pakiusap
Magkadaupang palad
At kapit kamay nating ang baya'y idalangin
Kung lahat ng mga kristyano'y magpapakumbaba
Dalangin ay tutugunin at ang bayang ito'y pagpapalain

Bawat isa'y may pananagutan sa ating bayan
Bilang isang Pilipino at bilang kristyano
Sa pagluhod at pagluha magisisi't magpakumbaba
Sa nagkakaisang panalangin

Pilipinas ay pagpapalain
Pilipinas ay pagpapalain


Comments / Requests