Song Lyrics

"Habang Mayro'ng Lakas"

by Papuri Singers
Album: Papuri, Vol. 8

Kung pagmasdan mo ang mundo
Unti unting gumugulo
Paligid ay puno ng dusa
Sa tuwing lumilipas ang bawat sandali
Ang kasalanan ng tao'y tuluyan ng nagbibinhi
Mga anak ng maykapal bakit kung minsan tayo pa
Naaliw sa mga sala
Hanggang kailan kaya tayo patatangay
Sa agos ng kasalanang nasa ating buhay
Gumising tayo ipakita na tayo'y sa Diyos
Ang kabataa'y huwag nating pabayaan
Tumatakbo ang bawat oras
Ang panaho'y lumilipas
Gumising tayo habang mayroong lakas
Kung pagmasdan mo ang daigdig
Naglalaho ang pag ibig
Nagdidilim ang ating paligid
Tayong kabataan bumangon na at tumindig
Mga salita ng Diyos atin ng iparirinig
Gumising tayo ipakita na tayo'y sa Diyos
Ang kabataa'y huwag nating pabayaan
Tumatakbo ang bawat oras
Ang panaho'y lumilipas
Gumising tayo habang mayroong lakas
Gumising tayo ipakita na tayo'y sa Diyos
Ang kabataa'y huwag nating pabayaan
Tumatakbo ang bawat oras
Ang panaho'y lumilipas
Gumising tayo habang mayroong lakas
Habang mayroong lakas


Comments / Requests