Song Lyrics

"Isang Awit, Isang Panginoon"

by Papuri Singers
Album: Papuri, Vol. 10

[Chorus]
Isang awit, isang tinig sa iisang Panginoon
Isang bisig, isang lipi sa habang panahon
Kay Hesus lahat tayo'y nauugat
Kahit saan pa mang sanga
Kahit saan mang lupa
Kay Hesus mapag-iisa tayong lahat

[Verse 1]
Kahit pa man iba't ibang dalangin
Dinirinig ng iisang Diyos natin
Kahit pa man sa libong pangitain
Natatangi ang pinagpipitagan natin
Kahit pa man sa sari-saring awit
Pinapupurihan lang ay iisang langit
Kahit pa man sa bilang ng salita
Sa iisang Diyos sumasamba

[Refrain]
Halina sa banal Niyang tahanan
May iisang dalangin
Pagsamo sa Diyos natin
May iisang awitin
Si Kristo'y purihin


Comments / Requests