Song Lyrics

"Isang Salmo"

by Papuri Singers
Album: Papuri Collection Volume 2

Panginoong Diyos pakinggan mo
bugso ng puso kong umaawit sa ‘Yo
Lagi kang sasambahin ngala’y pupurihin
Di malirip ang pag-ibig mo sa akin.

Kahangahangang paglingap Mo
Sa isang katulad kong nagkulang sa ’Yo
Sa bingit ng kamatayan ako’y iniligtas
Pinagpala sa pag-ibig Mo’t habag

O Diyos sa bawat tagumpay
turuang magbigay ng papuring alay
Aming Dios kabiguan man din
sumaaking piling, ako may akayin

O kay dakila Mo, aming gabay
Sa mga bisig Mo duoy hihimlay
Sa bawat paghahandog gawing dalisay
Aking puso ay gawing haing buhay

O Diyos sa bawat tagumpay
turuang magbigay ng papuring alay
Aming Dios kabiguan man din
sumaaking piling, ako may akayin

Aming Diyos turuan akong
magtiwala sa ‘Yo sa lahat ng landas ko
O Diyos, sa aking pangamba
turuang umasa manumbalik sa ‘Yo

Panginoong Diyos pakinggan mo
bugso ng puso kong umaawit sa ‘Yo
Lagi kang sasambahin ngala’y pupurihin
Di malirip ang pag-ibig mo sa akin.


Comments / Requests