Song Lyrics

"Agos"

by Papuri Singers
Album: Papuri, Vol. 1

Agos ng tubig sa batis
Ay lumalagaslas
Sa mga bato sa tabi
Ito'y humahampas

Batis na walang tigil
Sa pag-agos
Na kung saan marami ang nabubuhay
Maraming ring namamatay

Ang buhay ng mga tao
Dito sa mundo
Ay tulad ng isang batis
Umaagos na kay bilis

Mahirap man kung iisipin
Ngunit kung iyong iibigin
Batis man sa agos mo
Ay may tuwang mamamasdan

Agos ng batis
At buhay ng tao
Tumatakbong sabay ito
Sa dagat ng wakas ang tungo

Ang buhay mong sa Diyos nanggaling
Sa Diyos mo rin itagubilin
Gamitin mong pagpapala
Sa buhay ng iyong kapwa

Agos ng batis
At buhay ng tao
Tumatakbong sabay ito
Sa dagat ng wakas ang tungo

Ang buhay mong sa Diyos nanggaling
Sa Diyos mo rin itagubilin
Gamitin mong pagpapala
Sa buhay ng iyong kapwa


Comments / Requests