Song Lyrics

"Tanging Ikaw"

by Papuri Singers
Album: Papuri Collection Volume 1

Ooh...

Mula ng makilala ko ang Iyong pagmamahal
At tanggapin ko ang kaligtasang Iyong laan
Sa piling Mo ang buhay ko ay may kahulugan
Sa'yong mga pangakong binigyang karapatan

Sa'yong mga kamay biyaya ay nakamtan
Sa bisig Mo nagmumula aking kalakasan
At sa Iyong kandungan doon ako mahihimlay
Upang damhin pag-ibig Mong walang hanggan
Ngayon at magpakailanman
Ikaw ang aking kaibigan
'Di ako pababayaan
At di ako iiwan
Sa oras ng kadiliman Ikaw ang s'yang tanglaw
Ligaya ko sa sandali ng kapighatian
Kapayapaan nga kita sa oras ng kaguluhan
Aking moog magpakailanman

Ikaw ang katotohanan na nagbigay sa akin ng kalayaan
Ikaw ang hinahanap kong daan patungo sa buhay na walang hanggan

Sa'yong mga kamay biyaya ay nakamtan
Sa bisig Mo nagmumula aking kalakasan
At sa Iyong kandungan doon ako mahihimlay
Upang damhin pag-ibig Mong walang hanggan
Ngayon at magpakailanman
Ikaw ang aking kaibigan
'Di ako pababayaan at di ako iiwan

Ikaw ang katotohanan na nagbigay sa akin ng kalayaan
Ikaw ang hinahanap kong daan patungo sa buhay na walang hanggan

Hesus, pag-asa ko'y tanging ikaw.



Music Video
Comments / Requests