Song Lyrics

"Ipagsabi Mo"

by Papuri Singers
Album: Papuri, Vol. 2

Nang ikaw’y makakilala
Sa Panginoong Dakila
Iyo bang nadama ang kabigatan
Para sa iyong kapwa?
Nais mo bang ikaw’y ligtas
ngunit sila’y hindi
Ibahagi mo sa kanila
kapanganakan mong muli.

Ipagsabi mo,
Si Cristo’y buhay sa’yo
Ipagsabi mo, buhay mo’y binago
Ipagsabi mo,
tunay na mahal Niya tayo
Wala nang kamatayan
may buhay na walang hanggan.

Ang iyong buong pamilya
Nasabihan mo na ba?
Ang iyong mga kaibigan
at dati mong kasama?
Kung ikaw ay nahihiya,
dumalangin sa Kanya
Bibigyan ka ng lakas ng loob
Na sabihan mo sila


Music Video
Comments / Requests