Song Lyrics

"Papuring Awit"

by Papuri Singers
Album: Papuri, Vol. 2

[Lalaki]
O dakila ang pag-ibig
Na ipinadama sa atin
Kung kaya’t Siya’y dapat na purihin

[Babae]
At sa krus ipinakita
Ang dakilang pagtubos Niya
Ang lahat ibig Niyang makasama

[Chorus]
Awitin natin papuring awit
Pagkat Siya’y nagmamahal sa ‘ting lahat
Siya ay awitan, papuring awit
Pagkat Siya’y dakila at tapat

Buhay ko ay lumigaya
Magmula nang Siya’y makasama
Kung kaya’t aawitan siya sa t’wina
Suliranin lulunasan
Babaguhin ka Niya nang lubusan
Kung Siya ay iyong pananaligan

Awitin natin (awitin natin)
Papuring awit (papuring awit)
Pagkat Siya’y nagmamahal sa ‘ting lahat (sa ‘ting lahat)
Siya ay awitan (Siya ay awitan)
Papuring Awit (papuring Awit)
Pagkat Siya‘y dakila at tapat
Pagkat Siya‘y dakila at tapat
Pagkat Siya‘y dakila at tapat


Comments / Requests