Song Lyrics

"Si Cristo Ay Sapat Sa Akin"

by Papuri Singers
Album: Papuri, Vol. 7

Sa aking paglalakbay sa buhay na ito
May isang bagay sa puso'y aking natanto
Kahit anong hirap ng dinaranas ko
Ang katiyakan sa aki'y 'di naglalaho
Ang bawat hakbang ko nga ay may kabuluhan
Kahit minsan ay hindi ko maintindihan
Dahil sa pangakong 'di Niya ko bibitiwan
Kahit sa pagsubok mayroon ding kagalakan

[Chorus]
Si Kristo ay sapat sa akin
O si Kristo, Siya'y sapat sa akin
Ang mga pangako Niya ay tiyak na tutuparin Niya
Kaya't ako'y wala nang pangamba

Ang daan tungo sa buhay na walang hanggan
Tulad ng paglalakbay sa karagatan
Pag-ihip ng hangin at buhos ng ulan
Ang pananampalataya'y dapat tibayan
Ang Dios na tapat sa atin
Ang siyang nangako na hindi Niya pababayaan tayo
Ang pangangailanga'y pupunan Niya nang husto
At ang bukal ng ligaya'y aapaw lalo

(Repeat Chorus 2x)


Music Video
Comments / Requests