Song Lyrics

"Si Jesus Ang Tanging Pag-Asa"

by Papuri Singers
Album: Papuri, Vol. 7

Kailan pa man, Ikaw ang aasahan
Kailan pa man, Ikaw ang siyang lakas
Ang tanging tanggulan ano man ang dumaan
Apoy na siyang ilaw sa landas

Panatag Ka sa puso kong lumbay
Liwanag Ka sa kawalang kulay
Tanging hangin sa dagat ng buhay
Katapatan Mo sa'ki'y wala nang papantay

Nariyan Ka bagamat nagkukulang ako
Nariyan Ka sa sangandaang kinapapatiran ko
Kailan man, O, Diyos, pag-ibig Mo
Kaluluwa'y ligtas dahil sa'Yo
Kailan man, buhay man Iyong inilaan
Nang ako'y maligtas sa'king kapahamakan
Dakila Ka, O, Diyos, kailan pa man


Comments / Requests